Patay ang ama ng isang hepe ng kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan matapos itong pagbabarilin sa kanilang compound sa bayan ng Binalonan.

Ayon kay PMaj Aurelio S. Manantan ang siyang Chief of Police ng Binalonan PNP na pagnanakaw ang nakitang motibo sa pagkakabaril sa ama ni PMaj Napoleon Eleccion Jr. na hepe ng Asingan PNP.

Paglalahad ni Manantan na nangyari ang insidente matapos na mapansin ng kapatid ni Eleccion na si Mary na may dalawang kataong nagmamanman sa kanilang katabing bahay.

--Ads--

Kaya agad naman umanong lumabas ang asawa ng kapatid ni Eleccion na si Norberto Soriano kung saan nakita ang mga suspek.

Agad naman umanong naalarma ang mga suspek matapos na magsisigaw si Soriano na nagresulta para magpaputok ng baril ang isa sa mga suspek

Dito na umano lumabas ang ama ni Eleccion na si Retired Jail Management Officer Napoleon Eleccion Sr kung saan ay agad ding pinaputukan ng suspek na nagresulta sa pagkakasawi nito.

Sugatan naman ang kapatid at bayaw ni Eleccion na sa ngayon ay nagpapagaling na.

Dagdag nito na pawang may mga kahalintulad na kasong kinakaharap ang mga suspek kung saan modus na nilang barilin ang mga biktimang makikita ang kanilang mga mukha.

TINIG NI PMAJ. AURELIO MANANTAN

Maituturing na rin umanong case closed ang naturang insidente at nasamapahan na ang mga suspek ng mga kasong murder, frustrated murder at attempted murder.