Dagupan City – Pinagtibay ang programa ng Pangasinan Police Provincial Office ang “Task Force Baywalk” dahil sa inaasahang pagdagsa ng turista sa unang mga araw ng 2025.
Ayon kay PCol. Rollyfer Capoquian – Provincial Director ng Pangasinan PPO, naka-alerto na ang kanilang ahensya kung saan ay nagsagawa na rin ang mga ito ng deployment sa mga karagatan o shorelines sa lalawigan.
Aniya, layunin ng aktibidad na maiwasan ang mga posibleng insidente gaya na lamang ng pagkalunod.
Ang “Task Force Baywalk” ay isang law enforcement initiative ng Philippine National Police (PNP) na nakatuon sa pagpapanatili ng peace and order sa Baywalk area ng mga karagatan.
Ikinasa naman ito ng ahensya upang makamit ang matagumpay at mapayapang pagsalubong at selebrasyon ng bagong taon.
Paliwanag naman ni Capoquian, isa kasi ang mga beach sa lalawigan na dinarayo dahil sa nakaugalian na o tradisyon na ng mga ilan na maging bonding na ito kasama ang kani-kanilang pamilya, kaibigan o katrabaho matapos ang pagsalubong sa bagong taon.