DAGUPAN CITY- Ibinahagi ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng lalawigan ng Tarlac ang nasa Isang daang (100) modular shelter tents para sa Tarlac Police Provincial Office (TPPO) ngayong araw.

Sa isang seremonya sa kampo ng kapulisan ng Tarlac sa Camp General Francisco Macabulos, Brgy. San Vicente, Tarlac City, ay ipinagkaloob ni Marvin F. Guiang, DRRM Officer ng PDRRMO, ang mga nasabing tent kay PCOL Miguel M. Guzman, Provincial Director ng nasabing opisina.

Dinaluhan din ang aktibidad ng Command Group ng TPPO, mga Staff Officers, Section Chief Clerks, at mga miyembro ng PDRRMO.

--Ads--

Magsisilbi ang mga modular tents na ito bilang pansamantalang kampo sa mga operasyon, Emergency purposes, at pagtugon sa kalamidad.

Dahil dito makakatulong ito upang mapabilis na makapagpatayo ng base para sa operasyon ang PNP.

Sa panahon naman ng mga sakuna, magagamit din ang mga tent bilang pansamantalang tirahan, evacuation center, o distribution hub ng mga relief goods para sa mga apektadong komunidad.

Magsisilbing malaking tulong ito sa kapulisan ng Tarlac para maging mas handa sa anumang pangangailangan ng mamamayan, lalo na sa panahon ng kalamidad.

Ipinapakita nito ang kooperasyon at pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan para sa kapakanan ng mga TarlaqueƱo.