Pumanaw na si Tarlac 1st District Rep. Carlos “Charlie” Cojuangco, inihayag ng kanyang asawang si China nitong Martes.
Siya ay may edad na 58 taong gulamgng.
Sa facebook post nang asawa nitong si China Jocson sinabi itong namayapa ngayong araw ng Martes, Pebrero 22,2022.
Hindi naman nito ibinunyag ang dahilan ng pagkamatay ni Cojuangco
Sinabi ni Jocson na ang mga detalye ng libing ng asawa nito ay iaanunsyo sa lalong madaling panahon.
Bago magsilbi bilang kinatawan ng unang distrito ng Tarlac, si Cojuangco ay dati nang nagsilbi bilang kinatawan ng ika-4 na distrito ng Negros Occidental.
Siya rin ang chairperson ng House committee on flagship programs and projects at ang vice chairperson ng committee on appropriations.
Si Cojuangco ay anak ng dating gobernador ng Tarlac at kinatawan ng 1st district na si Eduardo Cojuangco Jr. na pumanaw noong Hunyo 2020.
Matatandaang nakaligtas si Cojuangco sa isang crash sa isang circuit race noong Oktubre 2021 matapos magkaroon ng aneurysm, ayon sa ilang mga ulat.
Kabilang sa mga panukalang batas na kanyang inakda ay ang economic stimulus proposals para makabangon ang bansa mula sa COVID-19 pandemic.