Bumaba ng mahigit kalahati ang rice tariff collection ng pamahalaan sa P13.7 billion noong 2025.

Sa preliminary data mula sa Bureau of Customs (BOC), nakakolekta ito ng P13.7 billion na rice tariffs noong nakaraang taon, bumaba ng 60 percent mula sa P34 billion na naitala noong 2024.

Ang pagbagsak sa tariff collection ay inaasahan na ng rice industry stakeholders at ng mga opisyal ng pamahalaan dahil ang tariff rate sa produkto ay ibinaba sa 15 percent mula 35 percent.

--Ads--

Bukod dito, ang desisyon ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng import ban simula Setyembre 1 noong nakaraang taon ay nagbawal sa pagpasok ng foreign rice supplies sa domestic market.

Sa datos ng BOC, ang rice import volume noong nakaraang taon ay bumaba ng 26 percent year-on-year sa 3.48 million metric tons, ang pinakamababang antas magmula noong 2022.