Kultura na umano ng ahensiya ng gobyerno ang umiiral na tara system tara systems kaya’t mahirap na itong tanggalin o puksain.
Yan ang inihayag ni Cathy Estavillo – Spokesperson, Bantay Bigas ito ay matapos sabihin ng dalawang dating commissioner ng Bureau of Customs (BOC) na panahon na para mapuksa ang nasabing sistema.
Aniya na dekada na itong problema ng bansa kung saan kahit sino ang ilagay sa pamunuan ay hindi parin ito napupuksa.
Kaugnay nito aniya na malaki ang epekto nito sa hanay ng mga magsasaka lalo na at dumarami ang smuggled goods na pumapasok sa bansa dahilan kung bakit nasasawalang bahala ang mga produkto ng ating mga magsasaka.
Bagama’t ay may mga isinasagawang mga pagdinig hinggil dito subalit aniya hanggang sa ngayon ay wala namang nakakasuhan o napapanagot.
Kaya’t mahalaga na hindi lamang tayo umasa sa mga resulta sa mga pagdinig bagkus ay kailangang malakas ang boses ng mga mamamayan.
Gayundin, upang may managot at mandato din ng gobyerno na umaksyon hinggil dito.