Itinuturing ang taong 2024, na landmark year ng Provincial Government ng Pangasinan dahil sa mga nagawang mga proyekto.
Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, patunay dito ang generated income ng probinsya kung saan lumaki ang local na collection ng probinsya.
Bunga nito ay maraming proyekto ang naipatayo sa probinsya gaya na lamang ng Pangasinan Link Expressway, Pangasinan Polytechnic College na nagbukas noong August 2024 at mga karagdagang hospital sa lalawigan .
Binanggit din niya ang salt farm sa bayan ng Bolinao na pinagkikitaan ng lalawigan.
Halos operational na rin aniya ang mga equipment ng probinsya kaugnay sa health care program ng Pamahalaang Panlalawigan.
Idinagdag pa niya ang Guiconsulta program kung saan lahat ng membro ng Phillhealth ay covered ng libreng annual checkup.
Inaasahan na sa taong 2025 ay marami pang pagbabago sa probinsya. Kabilang dito ang pagsisimula ng capitol plaza at pagtatayo ng bagong istraktura sa may capitol complex sa bayan ng Lingayen.
Matatapos na aniya sa taong ito ang mga sinimulang proyekto gaya ng reflecting pool sa kapitolyo.