Tahasang inihayag ng grupong Workers for Peoples Liberation o WPL na hindi magiging maganda ang pagsalubong ng taong 2021 sa sektor ng mga mang-gagawa.
Nabatid mula kay Primo Amparo, Chairperson ng mabanggit na grupo, dahil sa malawakang epekto ng pandemyang Covid-19, lalong nalugmok ang bawat mang-gagawa at kung sakali man na ito’y hindi maaagapan sa mga susunod na taon, tiyak na mababaon at mahihirapang makabangon ang mga ito.
Batay aniya sa unang balidasyon sa bilang ng mga mang-gagawang nawalan ng trabaho, sumampa ito sa pitong milyon at sa ngayon, umabot naman sa 4 million pagpasok ng buwan ng Oktubre.
Giit nito na may ilan ng nanumbalik na ang operasyom ng kanilang kompanya ngunit malaki pa din talaga ang bilang ng mga empleyadong nahihirapang makabalik.
Maituturing na “unstructured” ang pagpasok ng taong 2021 sa mga manggagawa dahil unang una aniya, hindi pa tapos ang kinakaharap nating pandemic at ngayo’y mayroon nanamang balita na nagkaroon ng bagong variant ang naturang virus.