BOMBO DAGUPAN– Pinaniwalang may kinalaman sa pulitika ang tangkang asasinasyon kay dating US president Donald Trump habang nagtatalumpati sa kasagsagan ng kaniyang rally sa Butler, Pennsylvania.

Ayon kay Rufino “Pinoy” Gonzales, bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, sa panayam sa kanya ng bombo radyo Dagupan, tangkang assasination ang nangyari sa dating pangulo dahil muntik nang matamaan ito sa ulo.

Aniya, matapos ang debate ay lumaki ang abanse ng dating pangulo at ilang million ang donations para dito samantalang maliit kay Biden kaya marami aniya ang nagagalit ngayon sa dating pangulo.

--Ads--

Bagamat ito ay ispikulasyon lamang dahil nagpapatuloy pa ring iniimbestigahan na ng mga otoridad ang insidente ng pamamaril.

Magugunita, na habang nagsasalita si Trump sa kaniyang rally bigla na lamang narinig ang sunud-sunod na putok kung saan nasugatan sa tainga ang dating Pangulo.

Inilarawan ni Bombo pinoy na maraming audience si Trump nang mangyari ang insidente.

Nasawi rin ang shooter at isang attendee ng rumisponde ang secret service.

Sa pagtaya ay sinasabing nasa 100 yards ang layo ng snipper sa kinaroroonan ni Trump.

Sa kasaysayan ng Ameika, ang huling biktima ng tangkang assasinasyon ay nangyari noon kay dating US president Ronald Reagan noong 1980.