DAGUPAN CITY- Nananatiling nakaalerto ang tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa bayan ng Calasiao kaugnay sa magiging epekto ni Bagyong Marce sa kanilang lugar.
Ayon kay Kristine Joy Soriano, LDRRMO III, Calasiao MDRRMO, na patuloy ang kanilang monitoring at pag-antabay sa kanilang nasasakupan kung saan nanatili pa rin sa blue alert status ang tanggapan simula pa noong nakalipas na bagyong Kristine at hangggang sa kasalukuyan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa bayan ng Calasiao. Gayundin din ang coordination nito sa mga partner agencies at maging sa kanilang Lokal na pamahalaan para sa mga mahahalagang plano at paghahanda.
Mahigpit din ang kanilang monitoring sa marusay river at nasa normal level pa rin ang lagay ng tubig nito. Kaugnay nito ay mahigpit din ang kanilang pagpapaalala sa mga residente na nakatira malaapit sa nasabing kailugan.
Pinaalalahanan naman nito ang mga magulang na huwag hahayaang umalis ng Bahay ang kanilang mga anak Lalo sa ganitong panahon.
Anya oras oras din ang kanilang pagpopost sa kanilang social media page para sa mga update at abiso na dapat malaman ng publiko sa bagyo.