May panawagan ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Lingayen para sa lahat ng Punong Barangays, Brgy. Committee Chair on Environment & Solid Waste, Brgy. Secretary, Brgy. Waste Collection Team, Commercial Establishments, Industries, Institutions o mga tanggapan at sa kanilang buong nasasakupan na mas Lalo pang paigtingin at pag-ibayuhin ang waste segration sa kanilang lugar.

Ito ay dahil nagkakaroon ng clearing operation ang Waste Disposal Facility na pinagdadalhan ng kanilang mga basura sa Urdaneta City at dahil sa dami na rin ng mga truck mula sa ibat-ibang bayan ng Pangasinan at maging labas ng lalawigan ay nagkakaroon ng pagka-antala at sadyang pagbagal na pagdiskarga ng mga basura sa nasabing pasilidad.

kaya naman biglang pagtugon dito ay mayroong ilang ipinatupad ang nasabing tanggapan kaugnay sa kinakaharap na itwasyon tungkol sa basura ay pinaalalahaan ang tamang waste segregation na Reduce, Reuse, Recycle.

--Ads--

Habang ang mga residual na mga basura naman tulad ng mga maruruming papel at plastic ay dadalhin sa Central MRF, Barangay Quibaol mula sa kanya-kanyang barangay at ilalabas nila ito sa tuwing kokolektahin na upang hindi magkalat.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang “open burning” o “pagsusunog”.