Nakatakda ng ipatupad sa pamilihang bayan ng Mangaldan ang tamang pangangasiwa ng mga basura alinsunod na rin sa kanilang Solid Waste Management Act .

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mangaldan Market Supervisor Jun Garcia,sinabi nito na mula umano ngayong buwan ng Hulyo ay uumpisahan na nilang ipapatupad ang No Segregation No Collection policy.

Paliwanag ng opisyal, layunin umano nitong malunasan ang kasalukuyang suliranin sa basura at maturuan ang mga mamamayan nito na maging disiplinado.

--Ads--

Samantala, kung sino man umano ang mga lalabag dito ay mapapatawan ng karampatang parusa alinsunod na rin sa kanilang sinusunod na ‘market code’. with report from Bombo Lyme Perez