DAGUPAN CITY–Tamang edukasyon ang nakikitang paraan ng ilang Psychologist upang matugunan ang problema sa ‘racism’.

Ito ang naging pahayag ni Dr. Nhorly Domenden, kilalang Psychologist dito sa lalawigan ng Pangasinan at director ng Wundt Psychological Institute sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kaugnay sa nangyayari ngayong malawakang kilos protesta sa Estados Unidos dahil sa pagkamatay ng Black American na si George Floyd mula sa kamay ng mga otoridad dahil sa umanoy ‘racism’ o pagtatangi sa lahi.

Paliwanag pa nito na ang nangyayari sa ngayon ay tila
napuno na ang salop dahil matagal na ang isyu ng racism sa mga Black and White American bukod pa aniya ito sa ilang contributing factor katulad ng distress dahil sa COVID-19 pandemic dahilan upang makiisa narin ang ilan sa isyu.

--Ads--
Dr. Nhorly Domenden – Psychologist and Director of Wundt Psychological Institute

Bagamat itinuturing na ‘fictional finalism’ ang race equality o pagkakapantay-pantay ng mga lahi hindi lamang sa America kundi sa iba’t-ibang panig ng mundo, nakikita nitong malaki ang tulong ng edukasyon upang kahit papaano sa paglipas ng panahon ay mabawasan ang suliraning ito.

Samantala, hinikayat naman ni Domenden ang publiko na sa halip na makiisa sa marahas na kilos protesta bilang pagpapakita ng simpatya, mas makatutulong kung magpapakita nalamang ng suporta sa pamamagitan ng mga pahayag na hindi marahas o paggamit ng papailaw ng kandila.