Humingi na ng tulong ang Taliban government sa United Nations (UN) dahil sa poverty at food crisis na kanilang nararanasan sa Afghanistan.
Ayon kay Bombo International Correspondent Joel Tungal mula sa Kabul, Afghanistan, dahil sa winter season sa kanilang bansa, hirap ang maraming mamamayan na makapaghanap buhay dahil sa malamig na klima.
Bunsod umano nito ay hirap sila na makakuha ng makakain at ilan pa nilang mga pangangailangan.
Aniya, nakahingi na ng tulong ang pamahalaan ng Taliban sa UN ng cash, food pack, at gamot lalo na para sa mga mamamayan.
Maliban pa rito, higit din umanong kailangan ng mga mamamayan ang malinis na mga maiinom at mga matutuluyang bahay.
Saad niya, hirap pa umano na mahatiran ang mga probinsya na malayo sa Kabul.
Dagdag pa ni Tungal, marami na ring mga may pera na mamayan mula sa nabanggit na bansa ang umalis na roon ngunit ang mga mahihirap ay nananatili sa kanilang kinalalagyang sitwasyon.