Patuloy na nagsasagawa ng follow-up investigation ang kapulisan sa pagpatay sa isang abogado sa barangay Poblacion Sur sa Talavera, Nueva Ecija.
Ang biktimang si Bayani Dalangin, 73 anyos ay pinaulanan ng bala sa loob mismo ng kaniyang law office sa nasabing lugar.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, nasa loob ng kaniyang law office ang biktima nang biglang pumasok ang hindi pa nakikilalang gunman at biglang pagbabarilin ang abogado.
Itinakbo si Dalangin sa Talavera General Hospital subalit ideneklarang dead on arrival.
Kabilang sa tinitignang anggulo sa krimen ay ang posibleng may kinalaman sa kanyang trabaho.
Sa ngayon ay may hawak nang testigo ang pulisya at pinag-aaralan na rin ang kuha sa CCTV footage na makatutulong sa paglutas ng kaso.