Nakaalerto na ang military forces ng Taiwan sa posibilidad na pagatake ng puwersa ng China kasunod ng pagbisita ngayong araw ni US House Speaker sa Taipei.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Jason Baculinao na sa ngayon ay hingpitan na ng kanilang gobyerno ang seguridad kung saan patuloy ang pagbantay ng mga pulis at militar at gayundin ang pag-iikot ng mga fighter jets sa kanilang air defense zone.

Matatandaang nangako ang militar ng China na maglunsad ng mga pag-atakeng militar bilang tugon sa pagbisita ni Pelosi.

--Ads--

Itinuturing ng China ang Taiwan bilang sarili nitong teritoryo at matinding tinututulan ang pagbisita ni Pelosi, isang mataas na ranggo na miyembro ng US Congress.

Pagsasaad ni Baculinao, na magtatagal si Pelosi sa Taiwan ng dalawampung oras at nakamatyag na rin silang mga residente sa magiging resulta ng magiging paguusap

TINIG NI JASON BACULINAO

Aniya na una rito ay nagpatupad na rin ang China ng pagban sa ilang mga produkto ng Taiwan bilang hakbang sa kanilang pagsalungat sa naturang pagbisita.

Bagaman inaasahan na mas makadargdag ito sa usapin ng tuluyang pagatake ng China sa kanilang lugar, aniya na ilang mga eksperto na rin ang nagsasaad na makakaapekto sa ekonomiya ng China ang magiging hakbang na ito sa Taiwan kung kaya’t sa ngayon ay hindi pa nila ito nakikitang mangyayari.

Una rito ay may namataan ang higit 20 Chinese military planessa air defense zone ng Taiwan noong Martes,habang sinimulan ni US House Speaker Nancy Pelosi ang kanyang kontrobersyal na pagbisita sa self-ruled island na itinuturing ng Beijing na teritoryo nito.

Sa ngayon ay wala pang isinasaad na abiso ang MECO sa kanilang mga Pilipinong naninirahan sa Taiwan hinggil sa mga paglikas.