Naglunsad ang Taiwan ng pinakamalaki nitong military exercise ngayong Miyerkules, na sinimulan sa pamamagitan ng mga simulated attack laban sa mga command system at imprastraktura nito bilang paghahanda sa posibleng pagsalakay ng China.

Sa unang yugto ng taunang Han Kuang exercises, sinubok kung paano maisasagawa ng militar ng Taiwan ang desentralisasyon ng utos sakaling mawalan ng komunikasyon bunsod ng cyberattack.

Sa loob ng susunod na sampung araw, palalawakin ang ehersisyo upang suriin ang kahandaan ng bansa sakaling may tangkang pananakop ng buong pwersa.

--Ads--

Itinuturing ng Taiwan ang mga cyberattack at disinformation camapaign bilang mga “grey zone” na aksyon mataas ang intensity at maaaring mauna bago ang isang mas malawakang pagsalakay ng China.

Ngayong taon, dadalo sa Han Kuang ang pinakamalaking bilang ng mga reservist tinatayang nasa 22,000 at unang beses ding isasama ang High Mobility Artillery Rocket Systems (HIMARS) mula sa Lockheed Martin, pati na ang sariling gawa ng Taiwan na Sky Sword surface-to-air missiles.

Patuloy naman ang pagtaas ng tensyon sa pagitan ng Taiwan at China.

Ayon sa Tsina, ang Taiwan ay bahagi pa rin ng kanilang teritoryo at sa loob ng nakalipas na limang taon ay tumaas ang military pressure, kabilang ang mga war games at araw-araw na patrulya sa paligid ng isla.

Hindi pa rin isinusuko ng Beijing ang posibilidad ng paggamit ng puwersa upang mapasailalim ang Taiwan.