BOMBO DAGUPAN — Tumitindi ngayon ang tensyon sa pagitan ng Taiwan at China matapos ang pagkondena ng Beijing sa pagkakatalaga sa bagong pangulo ng Taiwan na si Lai Ching-Te dahil part pa umano ng China ang Taiwan.


Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International News Correspondent Othman Alvarez, sinabi nito na gaya ng pamamahala ng dating Pangulo ng Taiwan na si Tsai Ing-Wen ay nababahala na ang Beijing dahil sa pagpapatuloy na pagdeklara at paninindigan ng Taiwan ng demokratikong pamamahala.


Aniya na dahil sa kagustuhan ng China na panatilihin sa ilalim ng One-China Policy ang Taiwan na siya namang mariing na tumatanggi na maging kabahagi ng China dahil na rin sa nagkaroon na ito ng indiependenteng pamamahala sa ngayon na patuloy na umaani ng suporta mula sa mga lokal ng Taiwan.

--Ads--


Saad pa nito na dahil na rin sa suporta ng maraming iba pang mga bansa gaya na lamang ng Estados Unidos ay handa naman ang Taiwan na panindigan ang katayuan nito kahit pa sa nakalipas na alarma ng pagpapalipad ng China ng missile sa Taiwan.


Gayunpaman, matapos naman ang eleksyon noong Sabado ay nagkakaroon na rin umano ng pagkabahala ang pamahalaan ng Taiwan hinggil sa maaaring gawing pagatake ng China.


Ani Alvarez na hindi kasi malayong mangyari ang isang kaguluhan kung magmamatigas at maninindigan ang Taiwan laban sa nais na mangyari ng China, kaya hindi rin nawawala sa kanila ang pangamba na sisiklab ang mas matinding tensyon balang araw.


Samantala, naniniwala naman ito na may kakayahan ang apnibagong administrasyon na suportahan ang katayuan ng Taiwan sa laban nito sa One-China Policy.