Nakipagsagupaan sa mga kapulisan ang mga taga-suporta ni former Bolivian President Evo Morales matapos sinabi ng isang prosecutor na ipapahuli niya ito.

Bigong daluhan ni Morales ang nakaraang pagdinig laban sa kaniya para sa kasong panghahasa at human trafficking.

Muling naungkat ang akusasyon sa dating pangulo nang ihayag nito ang planong muling pagtakbo sa pagkapresidente sa susunod na taon.

--Ads--

Dahil dito, nagkaroon ng tensyon sa Bolivia dulot ng mga tagasuporta nito partikular na sa pakikipagsagupaan ng kaniyang mga tagasuporta laban sa tagasuporta ng kasalukuyang pangulo na si Luis Arce.

Nitong nakaraang lunes laamng ay nagtayo ng harang ang mga tagasuporta ni Morales sa dalawang pangunahing daan at sinubukan itong alisin ng mga kapulisan. Arestado naman ang hindi bababa sa 12 katao at sugatan ang isang pulis.