Ipatutupad na ngayong huling linggo ng Hunyo ang taas-singil sa tubig ng Mangaldan Water District sa bayan.
‎
Batay sa anunsyo ng water district, layon ng dagdag-singil na mapanatili ang maayos na serbisyo, at matustusan ang operational expenses ng ahensya.

Sakop ng adjustment ang lahat ng customer sa ilalim ng kanilang serbisyo.
‎
Sa bagong rate adjustment, inaasahang tataas ang bayarin depende sa konsumo ng bawat household.

Mas magiging kapansin-pansin ang dagdag sa singil para sa mga may mas mataas na water consumption.
‎
Nilinaw ng pamunuan ng water district na bahagi ito ng naaprubahang rate rebasing at dumaan naman sa tamang proseso, kabilang ang konsultasyon sa publiko at pag-apruba mula sa regulatory body.
‎
Samantala, umaasa ang mga residente na sasabayan ng pagtaas sa singil ang mas maayos na suplay ng tubig, lalo na sa mga lugar na nakakaranas ng madalas na pagkaantala sa serbisyo.
‎
Patuloy naman ang panawagan ng ilang mamamayan para sa transparency at regular na update sa mga pagbabago sa singil, gayundin sa mga proyekto ng water district.
‎
Sa kabila ng pagtaas ng bayarin, tiniyak ng pamunuan na ginagawan na nila ng paraan upang mas mapaigi ang distribusyon ng malinis na tubig sa bayan ng Mangaldan.
‎

--Ads--