DAGUPAN CITY – Isinailalim sa state of calamity ang syudad ng Dagupan matapos ang naging pinsalang dulot ng Bagyong Kristine.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Councilor Dennis Canto, Dagupan City aniya na umaga palang kahapon ay nagkaroon na sila ng special session upang maipasa ang kailangang resolusyon para maaprubahan ang state of calamity sa syudad.

Aniya na matapos ang kanilang pag-iikot ikot ay nakita nila na maraming mga residente ang naapektuhan ng bagyo gayundin ang mga nangangailangan ng tulong.

--Ads--

Ito ay maliban kasi sa mga nasiraan ng kabahayan, agrikultura at imprastraktura ay napakarami ang nangangailangan ng gamot.

Dahil sa tuloy tuloy na mga pag-ulan ay marami ang nagkaroon ng ubo at sipon lalo na ang mga bata.

Kaya’t prayoridad nila ang pagbibigay ng gamot at health assistance.

Sa kasalukuyan ay may mga tubig parin ilang mga sitio at kabahayan sa syudad kung saan tuloy tuloy naman ang kanilang pagbibigay ng tulong para sa mga pangunahing pangangailngan ng mga residente.

Paalala naman nito sa publiko na kung hindi na kinakailangan lumabas sa kanilang mga tahanan ay mainam na manatili muna dito at mag-ingat din dahil mahirap ang magkasakit.

Dagdag pa niya na huwag mag-aalala dahil ang pamunuan ng syudad ng dagupan ay ginagawa ang lahat para mapunan lahat ng pangangailangan ng mga Dagupeño.