DAGUPAN CITY – Nagsimula na ang paghahanda ng iba’t ibang departmento sa syudad ng Alaminos para sa nalalapit na Undas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Miguel “Mike” Sison Tourism Officer, Alaminos City nagbigay na ang kanilang pamunuan ng mga kakailanganing kagamitan gaya na lamang ng mga table, upuan at iba pa.

Naglagay na rin sila ng mga tent para sa seguridad ng mga bisita.

--Ads--

Isinagawa na rin nila ang kanilang scubasurero program para maging malinis ang karagatan lalo na ang paglilinis sa mga island areas.

Samantala, hindi muna sila nagplano ng anumang pakulo o aktibidad marahil naging abala sila noong kasagsagan ng Bagyong Kristine.

Sa ngayon ay minomonitor nila ang lagay ng panahon sakali mang magsusupendi sila ng biyahe sa mga bangka o hindi.

Bagamat kapag itinaas sa signal number ang lalawigan ay otomatikong walang biyahe habang kapag may gale warning naman ay gumagawa lamang sila ng mga adjustment sa mga motorboat kung saan ang mga medium at large motorboat lang ang pinapayagan.

Pagbabahagi naman nito na naksisiguro ang kaligtasan ng mga bibisita at kung hindi pwedeng byumahe ay hindi talaga nila ipipilit.

Bukod dito ay panawagan din niya na be a reponsible tourist kung saan maging responsable din sila sa paghandle ng mga basura.