Dagupan City – Kasabay sa pagsisimula ng campaign period para sa mga local positions bukas, araw ng biyernes March 28, 2025 ay nakatakda rin na magsagawa ang Commission on Elections o COMELEC Pangasinan ng Synchronized nationwide grand oplan baklas para sa mga campaign materials ng mga kandidatong hindi sumunod sa tamang sukat at ang paglalagay sa mga hindi awtorisadong areas.
Ayon sa naging panayam kay Atty Ericson Oganiza ang siyang Provincial Election Supervisor ng COMELEC Pangasinan na hindi lamang sila tututok sa pagtatanggal ng mga campaign materials ngunit pati na rin sa mga ginagawang paghahanda ukol sa nalalapit na Local at National Elections sa May 12, 2025.
Anyia na natapos na rin noong March 20 ang pagsasanay ng mga trainers kung saan matagumpay na nakapasa ang mga ito sa pagsusulit na isinagawa ng DOST.
Bukod dito ay puspusan din ang pagpupulong sa mga Comelec officer ng bawat bayan para sa mga updates at iba pang paghahanda gayundin ang pakikipag-ugnayan sa Commande center ng Pangasinan police provincial office at ibang mga ahensya.
Samantala, may paalala naman ito sa mga kandidato na hindi naman mahalaga ang malalaking tarpaulin mas mainam pa rin na nagtutungo sila sa mga kumunidad para makilala at maibahgai ang kanilang mga plataporma.