Pansamantala munang ipinagbawal ang mga swimming activities, surfing at mag fishing pati na rin ang pumalaot sa mga dagat dahil sa maaaring epekto ng Bagyong Pepito.
Ayon kay Mayor Belen Fernandez ang kaligtasan ang pinakamahalaga, kaya’t aniya mag-ingat at sundin ang mga anunsyo mula sa lokal na pamahalaan.
Ayon sa awtoridad, asahan ang storm surge o biglaang pagtaas ng tubig sa mga dalampasigan, ilog, at mga mabababang lugar. Ito ay dulot ng malalakas na hangin at ulan na dala ng Bagyong pepito. Dagdag pa niya na Huwag magpakampante, lalo na ang mga nakatira malapit sa tubig.
Paalala naman ng awtoridad lalo na sa mga nasa coastal areas na kapag nakaramdam ng pagtaas ng tubig sa kanilang lugar agad na Magtungo sa pinakamalapit na evacuation center upang manatiling ligtas.
Huwag hintayin pa ang sitwasyon na magpalala, dahil ang mabilis na pagtugon ay makakatulong kaligtasan.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan anv paghahanda laban kay bagyong Pepito.