Dagupan City – Para sa marami, ang Bibliya ay isang gabay sa buhay—pero para kay Jacqueline Mangus mula sa Virginia, ito rin ang naging susi sa kanyang instant yaman!

Si Mangus ay bumili ng lottery ticket para sa New Year’s Millionaire Raffle ng Virginia Lottery at sa halip na itago ito sa pitaka, inilagay niya ito sa loob ng kanyang Bibliya. Hindi niya akalain na ang simpleng desisyong ito ang magdadala sa kanya ng suwerte!

Habang nanonood ng balita, nadiskubre niyang ang winning ticket ay mula sa Moneta—ang mismong lugar kung saan siya tumaya. Nang kanyang tingnan ang ticket mula sa Bibliya, laking gulat niya nang malamang siya ang jackpot winner!

--Ads--

Ayon kay Mangus, hindi pa niya sigurado kung paano gagastusin ang premyo, pero isang bagay ang tiyak—hinding-hindi na niya kakalimutang magpasalamat sa kanyang “swertehan” na taguan!