DAGUPAN CITY–Dapat may paninindigan sa mga isyu ng bayan ang susunod na House Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ang binigyang diin ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Rep. France Castro, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, kasunod ng pagkumpirma nito na mainit parin ang usapin sa Speakership lalo at wala pa aniyang iniindorso si Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit pa ni Castro, ito ang paninindigan ng kanilang hanay kayat noong una palamang ay tahasan ng inihayag ng Makabayan bloc na walang susuportahan sa sinumang mga kandidato ng partido dahil hindi nila kayang tumayo para sa Pilipinas bagkus para kay Duterte lamang lalo na aniya sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

--Ads--