Sa pulitika sa bansa ay walang permanenteng plano at puwedeng magbago ng plano anumang panahon.

Ito ang naging reaksyon ni Prof. Anthony Baliton, political analyst dito sa lalawigan ng Pangasinan matapos na iniurong ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang kandidatura sa pagka-alkalde ng Davao City.

Naniniwala si Baliton na naapektuhan ang disisyon ni mayor Sarah sa impluwensya ng kanyang ama.

--Ads--

Sa ngayon ay hindi pa umano malinaw ang tatakbuhan ng alkalde at hintayin na lang ang kanyang magiging pinal na disisyon.

Ngunit nakakatiyak ito na makikipag alyansa ito sa partido na kanilang kakampi at bahala na sila kung ano ang kanilang magiging internal agreement.

Prof. Anthony Baliton, political analyst sa Pangasinan

Matatandaan base sa post ng presidential daughter sa kanyang official Facebook page, ang kanyang kapatid na si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang papalit sa kanyang kandidatura.

Una rito, iniurong na rin ni Vice Mayor Baste ang kanyang kandidatura sa pagka-vice mayor.