DAGUPAN CITY- Dapat na bigyang pansin ng pamahalaan ang paglikha ng sustainable na trabaho at paglikha ng lokal na industriya para sa ikabubuti ng mga manggagawang Pilipino.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kay Primo Amparo, Secretary General ng Workers for People’s Liberation, malaki ang role ng paglikha ng sustainable na trabaho at pagpapaunlad ng sariling industriya sa bansa para sa kapakanan ng mamamayan.

Aniya, hindi dapat umasa ang Pilipinas sa labis na importasyon. Sa halip, dapat pagtuunan ng pansin ang mga hanapbuhay na nakatuon sa lokal na produksyon upang mapatatag ang ekonomiya at matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.

--Ads--

Sa kasalukuyang sistema ng trabaho sa bansa na karaniwang naka-subcontract o job order ay itinuturing na hindi pangmatagalan.
Kailangan umano ng pamahalaan na lumikha ng mga dekalidad na trabaho na may seguridad at benepisyo.

Dagdag niya, mahalagang paunlarin ang food security ng bansa. Sa halip na umasa sa pisikal na ayuda, mas makabubuti raw kung ang pondo ay ilaan sa paglikha ng mga trabaho.

Hinihiling din ng grupo na bigyang daan din ang mga pampublikong serbisyo.