BOMBO DAGUPAN – Tuluyan nang inalis sa puwesto ng Office of the Ombudsman si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa resolusyon na nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires, nakitaan ng sapat na batayan para alisin ang alkalde sa kaniyang kapangyarihan.
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, gumawa sila ng isang task force upang imbestigahan ang umano’y koneksyon ni Guo sa mga iligal na gawain ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa Bamban.
Maging ang Comelec at National Bureau of Investigation (NBI) ay gumawa rin ng hiwalay na pagsisiyasat ukol naman sa kaniyang identity.
Una rito, inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Ombudsman na patawan ng preventive suspension ang nasabing alkalde.
Samantala, pinaniniwalaang hindi pa nakakaalis ng bansa at nagtatago pa rin si Guo.
Patuloy ang paghimok dito na lumantad na ito para harapin ang usapin sa illigal POGO hub.