DAGUPAN CITY– Nagsagawa ng dragnet operation ang Sta Barbara PNP upang mahanap ang suspek na nanaksa sa isang Guest Relation Officer o GRO na dinala nito sa loob ng isang motel sa Brgy Ventinilla West sa bayan ng Sta Barbara, Pangasinan.

Nakilala ang biktima si Marlou Montella Soberano, 19 anyos at isang guest relation officer na residente ng nabanggit na barangay at tubong Nueva Vizcaya.

Habang ang suspek ay kinilalang si Richard Cabinta Imperial, 49 anyos na residente ng Brgy. Bersamin Alcala.

--Ads--

Ayon sa nakalap na impormasyon ng kapulisan, magkasamang pumasok ang biktima at ang suspek sa motel ngunit makalipas ang dalawang oras nagmamadaling umalis ang suspek. Makalipas ang ilang minuto , lumabas din ng kwarto ang biktima na duguan at humingi ng saklolo.

Dinala ito sa pagamutan upang malapatan ng lunas na ngayon ay nagpapagaling na.

Narekober naman sa loob ng motel ang kutsilyo na may habang 13 pulgada na ginamit na panaksak ng suspek sa naturang biktima.