DAGUPAN CITY- Patuloy pa rin pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek sa pagpaslang kanila dating Minnesota House Speaker Melissa Hortman at ang kaniyang asawa matapos pagbabarilin sa sarili nilang pamamahay sa Brooklyn Park.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bradford Adkins, Bombo International News Correspondent sa USA, ilang kilometro lamang mula sa pamamahay ng mga nasabing biktima ay pinagbabaril din sina Senador John Hoffman at ang asawa nito subalit, ligtas ang mga ito at sugatan lamang.
Aniya, naglabas na rin ng pabuya ang Federal Bureau of Investigation (FBI) na may halagang $50,000 para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek, na kinilalang si Vance Luther Boelter, 57 anyos, isang dating political appointee ni Senador Hoffman.
Lumalabas naman sa imbestigasyon kung saan nakitaan si Boelter sa video ng ring doorbell na may suot na tsapa ng kapulisan na tila nagpapanggap bilang pulis.
Nakitaan din ito umano ng mga listahan ng mga politiko sa kotse ng gunman at karamihan sa mga ito ay mga democrats. Gayunpaman, hindi pa tuluyan kinukumpirma ang mga pangalan na nasa listahan.