DAGUPAN CITY- Patuloy pa din pinaghahanap ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos nitong barilin ang isang incumbent Barangay kagawad sa lungsod ng Alaminos.

Ayon kay PMaj. Jairilyn Camangian, Deputy Chief of Police ng Alaminos City PNP, kinilala ang biktima na si Recto “Romeo” Tabua, 57 anyos, isa din magsasaka, at residente ng Victoria, sa parehong bayan.

Ayon sa kanilang paunang imbestigasyon, on-duty ang biktima habang nakaupo sa covered court ng nasabing barangay nang dumating ang suspek sakay ng isang itim na motor. Nakasuot din aniya sa suspek ang black helmet, black jacket, at black maong pants.

--Ads--

Ilang sandali lamang, lumapit umano ito sa kinaroroonan ng biktima at binaril ito sa likurang bahagi. Matapos tumumba ng biktima, binaril muli ito ng suspek bago ito umalis sa crime scene.

Sinabi naman ni PMaj. Camangian, tatlong basho ng bala ng baril ang narecober sa pinangyarihan.

Dinala naman ang biktima sa District Hospital ngunit dineklara din itong dead on arrival.

Samantala, patuloy naman nakikipagtulungan ang Alaminos City Police Station sa iba pang himpilan ng kapulisan upang magsagawa ng dragnet at checkpoint operations.

Nagsasagawa din sila ng pagreview at backtracking ng CCTV footages upang matunton ang naging direksyon ng suspek.

Kaugnay nito, nilunsad na din ang 1st District ng Pangasinan KIMAT at TIKTIK teams upang makipagtulungan sa imbesitgasyon.

Pinatawag din umano ang SOCO Team ng PFU, Lingayen para sa technical assistance sa pagsasagawa ng crime scene processing.

Dagdag pa ni PMaj. Camangian, hindi pa man natutukoy ang motibo ng pagpaslang subalit mayroon na aniya silang person of interest ngnunit hindi pa nila ito isasapubliko.