Naaresto ng Dutch police ang pinaghihinalaang miyembro ng ShinyHunters cyber-crime group na siyang nagnakaw ng mga sensitibong impormasyon ng mga staff ng Federal Bureau of Investigation o FBI.

Ayon sa Dutch police na isang 24-anyos na lalaki ang kanilang naaresto na mula sa Amsterdam dahil sa pagiging miyembro sa grupo.

Kasama rin sa kaso nito ay ang tangkang pagpatay bago ang pagsiwalat ng FBI na na-hack ang impormasyon ng mga miyembro.

--Ads--

Nakita sa laptop ng suspek ang maraming impormasyon ganun din ang pinaplanong pagpatay na gagawin sana sa ibang bansa.

Magugunitang ibinunyag ng FBI na na-hack ang impormasyon ng mahigit 38,000 na staff nila.