DAGUPAN CITY- Patuloy paring pinaghahanap ng kapulisan ang hindi pa nakikilalang suspek sa nangyaring pamamaril kamakailan sa bayan ng Asingan.

Ayon kay Ayon kay Pmaj. Katelyne May Awingan ang Chief of Police ng Asingan Police Station na nagpapatuloy ang kanilang ginagawang backtracking at imbestigasyon upang mahuli at matunton ang kinaroroonan ng suspek na responsable sa karumaldumal na pamamaril sa isang senior citizen sa Barangay San Vicente East sa nasabing bayan.

Kinilala ang biktima na si Eluiterio Senesan Malong, 72-anyos, isang magsasaka, at residente sa lugar.

--Ads--

Sa imbestigasyon ng kapulisan sasakay na sana ang biktima sa kanyang motorsiklo papunta sa kanyang bukirin nang biglang lumapit ang hindi pa nakikilalang suspek at sunod-sunod siyang pinagbabaril sa harap ng kanyang bahay gamit ang hindi pa matukoy na uri ng baril.

Nagtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad isinugod sa ospital ngunit sa kasamaang palad idineklarang dead on arrivival.

Agad na tumakas ang suspek nang naglalakad, saka sumakay sa kanyang pulang motorsiklo patungong hilagang direksyon.

Saad naman ni Pmaj. Awingan na wala itong kinalaman sa election dahil wala namang posisyon sa gobyerno ang nasabing biktima pero ang nakikita ng kapulisan na motibo sa krimen ay paghihiganti.

Samantala, nagbigay naman ng panawagan ang kapulisan na huwag mag-alinlangang na magbigay ng anumang impormasyon sa kanilang himpilan sa maaaring makatulong sa kanilang nagpapatuloy na imbestigasyon.