BOMBO DAGUPAN– Inaresto ng German police ang isang lalaki na hinihinalang nasa likod ng pananaksak at pagpatau sa tatlong katao at pagkasugat ng walong iba pa sa western city ng Solingen.
Ayon kay Herbert Reul, interior minister ng North Rhine-Westphalia state, nasa kustodiya na nila ang lalaki na buong araw nilang hinanap.
Hindi nagbigay ng anumang detalye ang iterior miisyer subalit, base sa salaysay ng mga nakasaksi, kusang sumuko ang suspek suot pa ang damit na may bahid ng dugo.
--Ads--
Matatandaan na dalawang lalaki, edad 56 at 67 at isang 56- anyos na babae ang nasawi sa pananaksak habang dumadalo sa isang festival, kung saan tinawag na horrific act ni Chancellor Olaf Scholz.