Nasampahan na ng patong patong na kaso ang 21 anyos na construction worker na umanoy nanggahasa sa isang inahing baboy sa bayan ng Sual.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lt. Fredwin Sernio Chief of police ng Sual PNP na kasong paglabag sa R.A. 8485 o Animal Welfare Act at Grave Scandal ang isinampa laban sa suspek.
Sa ngayon ay nananatili ito sa kustudiya ng kapulisan at inaantay ang commitment order sakaling hindi makapagbayad ng piyansa sa itinakdang panahon.
P12,000 ang nakatakdang piyansa para sa kaso nitong R.A. 8485 o Animal Welfare Act habang P 6,000 naman sa grave scandal.
Inihayag pa ni Sernio na ito ang kauna unahang naitalang kaso sa kanila ng panggagahasa sa isang baboy.
Samantala inihayag naman ng may-ari ng naturang baboy na posibleng katayin na lamang nila ito dahil hindi na rin umano nila ito mapapakinabangan lalot posibleng nagtamo ito ng trauma sa kaniyang sinapit.
Una rito, nagreklamo ang isang Jomar Austria , 41 anyos, may asawa , OFW at residente rin sa nasabing lugar matapos gahasain ng suspek ang kanyang alagang walong buwang gulang na baboy sa kanilang bakuran.
Bilang ibidensya nito ang pagdurugo umano ng ari ng baboy.
Ayon pa sa complainant, ang alaga niyang baboy ay inaalagaan niya para manganak para makadagdag sa kanyang kinikita.