Pormal nang sinampahan ng kasong aggravated murder ang suspek sa pamamaril kay conservative activist Charlie Kirk.

Hiniling din ng prosekutor mula Utah na patawan ng death penalty si Tyler Robinson,22, kung ito ay tuluyang mapakulong.

Sinabi ni Utah County District Attorney Jeffrey Gray na naghain ng pitong kaso laban kay Robinson, kabilang na rito ang obstruction of justice dahil sa paninira ng ebidensya at witness tampering dahil sa direktang pag-utos sa kaniyang roommate na i-delete ang mga ipinadalang mensahe.

--Ads--

Napagdesisyunan ni Gray ang pagnanais na pagsampa ng death penalty base umano sa mga nakalap na ebidensya, pangyayari, at uri ng krimen.

Samantala, hindi pa isinasapubliko ng mga awtoridad ang motibo sa pagpaslang kay Krik.