Matapos ang labing apat na taong pagtatago ay tuluyang nadakip ng pulisya ang suspek sa panggahasa sa isang menor de edad sa bayan ng Pozurrobio.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PMaj. Zynon Paiking ang siyang Chief of Police ng Pozurrobio PNP na matagumpay na nadakip ang suspek sa panggahasa sa kaniyang noo’y labimpitong taong gulang anak-anakan taong 2018.
Nagtago umano ang nabanggit na suspek sa Mabini Batangas kung saan ay pinaghahanap din ito ng pulisya dahil sa kaso sa ilegal na droga.
Aniya na dahil dito ay bumalik ito sa bayan ng Pozurrobio at dito na umano dumulog sa kanilang himpilan ang isang concerned citizen para maaresto ang suspek.
Kaya naman agad umanong tinungo ng kanilang hanay sa kaniyang tahanan sa Brgy Poblacion distrcit 1 sa naturang bayan at bisa ng warrant ay agad itong naaresto.
Dagdag nito na sa ngayon ay naipaalam na ng women and children protection desk sa biktima na ngayo’y edad tatlumput isang taong gulang ang pagkakadakip nito.
Sa ngayon ay nanatili sa kanilang kustodiya ang suspek para sa dokumentasyon at wastong disposiyon.