Pinaghahanap na ng mga kapulisan sa bansang Japan ang suspek na nagpadala ng bomb at death threats sa ilang daang pribado at pampublikong mga paaralan.

Ayon kay Bombo International News Correspondent na si Hannah Galvez, kilala ang naturang bansa bilang isang peaceful country kaya’t ikinagimbal nila ang pagkakaroon ng insidente ng pagpapasabog.

Ang labing siyam na eskwelahang kabilang sa mga naapektuhan ng pagsabog ay nakapaloob sa labing isang prefectures na kung tawagin sa bansang Pilipinas ay probinsya.

--Ads--

Aniya walong eskwelahan na raw ang nakipagugnayan sa mga awtoridad upang magkaroon ng seguridad.
Karamihan sa mga ito ay nagsara na lang at pinauwi ang mag estudyante.
Hanggang sa kasalukuyan ay hinahanap pa rin ang suspek.

TINIG NI HANNAH GALVEZ

Samantala kasabay nito ang isa pa sa kanilang kinakaharap na suliranin ay ang snow storm.

Naitala ang apat na karagdagang kaso ng pagkamatay dahil sa nararanasan nilang ito sa kasalukuyan.
Dahil sa kapal ng nyebe at ang nararanasan doong sobrang lamig ng panahon ang naging dahilan ng pagkamatay ng apat na katao.

Aniya naapektuhan na rin ng naturang kalamidad ang transportasyon, supply mga pangunahing pagkain maging ang mga online shops.

Umabot na rin sa 400 ang nacancel na flight dahil dito.

Ayon pa kay Galvez, sampung taon na raw ang nakalilipas noong huling maranasan ng bansa ang snow storm at ngayon na lamang nila ito muling naengkwentro.