Nagpapatuloy ang ginagawang pangangalap at imbestigasyon ng Sison Police Station ukol sa posibleng motibo at tuluyang pagkaka kilalan ng suspek sa likod ng pagpatay sa isang 24-anyos na babae sa bayan ng Sison.
Ayon kay Sison COP, P/Maj. Maria Theresa Miemban, under investigation pa din hanggang sa ngayon ang sinasabing rape case na naitala sa kanilang nasasakupan matapos ang pagkakatagpo ng isang bangkay ng babae sa Brgy. Dungon noong Pebrero 7.
Lumalabas sa ilang alegasyon na ginahasa muna ang naturang biktima na kalaunay’natukoy bilang si Marife Joy Niduaza, residente mula sa brgy. Nagtagaan Rosario La Union ngunit ayon sa pulisya, hindi nila ito matiyak dahil sa ngayon ay inaantay pa nila ang resulta ng kaniyang test.
Base sa ulat ng kanilang investigator in case at mga first responder, natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang liblib na lugar, partikular na sa bulubunduking parte ng brgy. Dungon. Naka handusay na ang biktima at nakita ang gilit sa kaniyang leeg.
Sa kanilang imbestigasyon, tindera ang naturang biktima at isang overseas filipino worker o OFW naman ang kaniyang ina. Nakipag ugnayan na din ang kapulisan sa kamag anak nito at ayon na din sa kanila, handa silang isulong ang kaso upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang kaanak.
Mula sa panunungkulan ni Miemban sa naturang himpilan, saad nito na ito pa lamang ang kauna-unahang found cadaver reported case sa kanilang bayan.
Payo namam nito sa publiko na ibayong pag iingat ang kinakailangan lalo na kapag lalabas ng bahay, iwasang gumala sa mga alanganing oras upang mailayo sa anumang uri ng krimen.