Surprised mandatory drug testing, isinagawa sa hanay ng Pangasinan PNP

235

Nagsagawa ng surprised mandatory drug testing sa hanay ng kapulisan dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay P/Capt. Ria Tacderan, tagapagsalita ng Pangasinan PNP, sinabi nito na nasa 378 PNP personal ng Pangasinan Police Provincial Office lalong lalo na ang nasa Drug Enforcement Team ang sumailalim sa mandatory drug test na may layuning matanggal ang mga police scalawags sa kanilang hanay.

P/Capt. Ria Tacderan, tagapagsalita ng Pangasinan PNP

Ayon kay Tacderan, kailangan pang maghintay ng ilang araw para malaman ang resulta ng naturang test. Aniya, kung mapatunayang nagpositibo at gumagamit ng iligal na droga ang isa sa kanilang pulis, dismissal sa serbisyo ang maaring kaharapin nito.

--Ads--
P/Capt. Ria Tacderan, tagapagsalita ng Pangasinan PNP

Binigyang diin naman ni Tacderan na hindi maaaring tumanggi ang sinumang pulis na sumailalim sa nabanggit na drug test dahil mandato ito ng kanilang bagong Acting Provincial Director na si Col. Redrico Maranan. Maaari lamang aniya silang humindi kung ang ipinaguutos sa kanila ay hindi legal at sila’y mapapahamak.