DAGUPAN CITY- Nakapagtala ang Pilipinas ng 3.1 bilyong dolyar na surplus sa Balance of Payments (BOP) noong Pebrero 2025, isang malaking pagbangon mula sa 196 milyong dolyar na deficit noong Pebrero 2024, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Dahil dito, umabot sa 992 milyong dolyar ang cumulative BOP deficit hanggang Pebrero 2025, mas mataas ng kaunti kumpara sa 936 milyong dolyar na deficit noong nakaraang taon.

Ang nasabing deficit ay pangunahing dulot ng lumalawak na trade deficit at netong paglabas ng pondo mula sa foreign portfolio investments, ngunit tinulungan ito ng mga remittance at foreign borrowings mula sa gobyerno.

--Ads--

Ang bagong level ng GIR ay nagbibigay ng matibay na buffer ng external liquidity, na katumbas ng 7.4 buwan na halaga ng imports at serbisyo.