Inatasan ng Supreme Court na magsumite ang mga respondent patungkol sa pagkwestyon sa Republic Act No. 12326, kung saan matatandaang ipinagpaliban ang 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2028.
Ang petisyon, kung saan inihain ni veteran election lawyer Romulo Macalintal, ay humihiling din ng temporary restraining order (TRO) o status quo ante order laban sa pagpapatupad ng nasabing batas. Binigyan ng Korte Suprema ang mga respondent ng non-extendible na limang araw mula sa pagtanggap ng notice upang magsumite ng kanilang komento.
Sa ilalim ng Republic Act No. 12326, na naging batas noong Setyembre 24, 2026, ipinagpaliban ang BSKE sa Nobyembre 2028 at pinalawig ang termino ng mga incumbent barangay at Sangguniang Kabataan officials ng limang taon.
Kinukuwestiyon ni Macalintal ang constitutionality ng batas, at iginiit na nilalabag nito ang karapatan ng mga botante na pumili ng kanilang mga opisyal. Ayon sa petisyon, epektibo umanong mananatili sa puwesto ang mga kasalukuyang opisyal hanggang Nobyembre 2028.










