Walang kakulangan sa asukal sa bansa at hindi kailangan na mag import ng malaking volume nito.

Ito ang inihayag ni Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya at Agrikultura o SINAG sa gitna ng nakatakdang pag angkat ng Pilipinas ng 200,000 metric tons ng refined sugar sa gitna ng kakulangan sa supply matapos manalasa ang bagyong Odette.

May duda si So na patapos na ang termino ng kalihim ng DA kaya minamadali umano ang pag angkat ng mga produkto.

--Ads--

Dapat aniyang maimbestigahan ito.

Ayon pa kay So, ang production cost ay inaasahang tatass dahil sa pagtaas ng krudo sa world market kaya dapat gumawa ng paraan ang gobyerno.

Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya at Agrikultura o SINAG

Dagdag pa ni So na hindi sagot ang importasyon para mapababa ang presyo ng isang produkto.

Napag alaman na ang pag-angkat ng mga asukal ay ilalaan para sa mga industriya na gumagawa ng Soda o softdrinks at sa mga Food processor.