BOMBO DAGUPAN -Inaasahang maaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Dagupan ang supplemental budget.

Sa kanyang press conference matapos ang kanyang State of the City Address, sinabi ni mayor Belen Fernandez na sobrang kailangan para maisagawa na ang mga proyekto at wala ng dahilan para maantala ang mga ito dahil mismong taumbayan ang kanilang makakalaban.

Una rito sa kanyang SOCA , tumutok ito sa mga accomplishments at mga gagawing proyekto sa ciudad.

--Ads--

Samantala, inihayag din niya na halos pareho lang ang mga nakalinyang proyekto para sa susunod na taon na nais na maisakatuparan.

Gayundin kanya ring inanunsyo ang dagdag allowances ng mga frontliners, barangay health workers,national government agencies at marami pang iba.

Dagdag pa niya tumaas ang budget ng ciudad na mula sa 1.2 billion ay tumaas ng 1.5 million.

May nakareserve na rin umanong pera para sa salary increase ng mga regular employees kapag may anunsyo si pangulong Ferdinand Marcos Jr.