DAGUPAN CITY- Pinapanawagan na dapat na bigyang suporta at proteksyon ang mga guro hindi lamang sa araw ng halalan dahil sa kanilang nature of work.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Arlene James Pagaduan, Pangulo ng Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers (ASSERT) Central Luzon, mahalagang papel na ginampanan ng mga guro sa nakaraang halalan, at ikinatuwa ang balitang hindi gaanong nakaranas ng harassment o pressure ang mga nagsilbi.
Aniya, isang positibong hakbang ito tungo sa ligtas at makataong pagganap ng mga guro sa kanilang tungkulin tuwing eleksyon.
Kasabay nito, muling nanawagan ang ASSERT na huwag patawan ng buwis ang honorarium ng mga gurong nagsilbi sa halalan upang makuha nila ito nang buo, bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at serbisyo.
Dagdag pa niya, hindi lamang tuwing eleksyon dapat bigyang suporta at proteksyon ang mga guro.
Dapat aniyang tiyakin ng pamahalaan na ligtas at may dignidad ang mga guro sa lahat ng panahon, hindi lamang kapag may halalan.
Panawagan nitosa gobyerno at mga kinauukulan, sana ay magkaroon ng tuloy-tuloy na suporta at proteksyon sa mga guro upang maiwasan ang harassment at pressure sa kahit anong aspeto ng kanilang trabaho.