BOMBO DAGUPAN – Nagbalik na sa normal ang suplay ng tubig sa lungsod ng Dagupan matapos ang summer at el nino kung saan patuloy parin naman ang pagkuha ng mga samples upang masiguro na ito ay ligtas na inumin.
Ayon kay Marge Navata Spokesperson, PAMANA Water Dagupan City na bagamat nakadepende sa electric ang paggenerate ng tubig ay nagkakaroon minsan ng pag-shift mula sa power to generator na nagdudulot ng low water pressure.
Subalit aniya ay wala naman gaanong epekto ito at sobra sobra ang nagegenerate na water suplay sa lungsod.
Dagdag pa niya na masasabi namang ligtas itong inumin dahil may kaaakibat naman itong chlorine depende na lamang sa mga tubo na daanan ng tubig sa mga kabahayan kung malinis ba ang mga ito.
Samantala, kaugnay naman sa pagtaas ng singil sa tubig aniya ay pinag-uusapan pa lamang ito ng Dagupan City Water District at PAMANA kung magkakaroon ba ng pagtaas gayong nagawan ng improvement ang suplay at kalidad ng tubig sa lungsod.
Nagpaalala naman ito na bagamat ay may sapat na suplay ay huwag parin masyadong magwaldas sa paggamit ng tubig.