Posibleng kapusin sa supply ng manok ngayong buwan ng Disyembre hanggang Enero sa susunod na taon.
Ayon kay Engr. Rosendo So, presidente ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, ito ay dahil maraming nag aalaga ang huminto sa pag aalaga.
Marami umano sa kanila ang nalugi sa nakalipas na mga buwan dahil sa mababang presyo nito.
--Ads--
Sinabi ni So na hindi dapat solusyon ang importasyon ng karne.
Iminungkahi niya sa Department of Agriculture na proteksyunan ang mga local producers upang maging matatag ang presyo ng karne sa bansa.
Umaasa naman ito na darating na Pebrero ay doon pa lang magnonormalize ang presyo ng mga bilihin partikular sa gulay.