BOMBO DAGUPAN – Surplus pagdating sa isda ang lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Dr. Westly Rosario, Former Center Chief ng National Integrated Fisheries Technology Development Center-BFAR Pangasinan, walang problema sa supply ng isda dito sa lalawigan at katunayan ay galing sa lalawigan ang 50 hanggang 60 percent na pangangailangan ng isda sa Metro Manila.
Payo niya na alagaan ang mga coastal area kung saan naroroon ang mga fishcages para maiwasan ang fishkill at mapanatiling sapat ang produksyon ng isda.
Ang pinakamalaking suplay ng isda sa lalawigan ay ang mga pinapalaki sa fishcages.
Sa fishcages aniya ay mas maluwang ang paligid at maraming nailalagay dito na mga isda .
Sa kabilang dako, ipinaliwanag niya na ang fishkill ay kadalasang nagaganap kapag neptide o panahon ng lowtide kung saan walang oxygen na nakukuha tubig.
Dagdag pa nya na marapat na imonitor ang karagatan sa panahon ng neptde para magbigay babala sa mga bangus growers at nang makapagbawas ng isda sa mga cages at nang maiwasan ang fishkill.