Tiniyak ni Engr. Rosendo So, chairman ng Samahan ng Industriyang Agrikultura o SINAG na sapat ang suplay ng isda sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni So na sa kasalukuyan ay maraming supply ng isda at bagsak ang presyo ng ibang uri ng isda partikular ng tilapia.
Kahit dumaan man ang bagyo ay hindi naman tinamaan ang mga lamang dagat kaya wala aniyang dahilan para mag angkat ang bansa ng isda.
Sa halip ay iminungkahi ni So na tulongan ng Department of Agriculture ang mga fisherfolks na makakuha ng isda sa karagatang nasasakupan partikular sa West Philippine sea
Samantala, dahil sa nanatiling mahal ang mga imported na galunggong na nasa P150 kada kilo mahalagang ipromote ng DA ang ibang alternatibong isda na mas mura para dumami ang supply at matulongan ang mga mangingisda.
Una nang ikinatuwiran ng DA na pininsala ng bagyong Odette ang sektor ng pangisda noong nakaraang Disyembre kaya inihirit ang importasyon ng galunggong, sardinas at mackerel habang umiiral ang taunang fishing ban mula Nobyembre hanggang Pebrero.